Boto-boto lang yan

ISANG taong kilala sa ngalang Gloria Macapagal Arroyo ay lalaya sa kanyang pagkakapiit sa pang-milyonaryong St. Luke’s Hospital at mamahaling Veterans Hospital suite hindi dahil 12 sa 15 justices ng Supreme Court ay pawang mga appointee ng nasasakdal.

Lalaya si Gloria, na dating pangulo, katulad ng kanyang idolong si Emilio Aguinaldo, hindi dahil sa tulong ni Chief Justice Renato Corona, ang presidential chief of staff niya sa kanyang panahon.

Bilang chief of staff si Ginoong Corona sa panahon ni Ginang Arroyo, naniniwala kaya siya noon na unconstitutional ang hold departure order ng kanyang bosing?

Lalaya si Gloria hindi rin dahil kay Antonio Carpio na hinirang ni dating Arroyo noong 2001 at hindi rin dahil sa si G. Carpio ay dati ring chief presidential legal counsel ni Pang. Fidel Ramos noong 1992.

Lalaya si Gloria hindi dahil sa siya ang nag-appoint kay Presbitero J. Velasco Jr. sa SC noong March 31, 2006. Ito’y hindi rin dahil sa si G. Velasco ay dating undersecretary of the Department of Justice magmula 1995 hanggang April 1998. Si G. Arroyo ay pangulo magmula 2001 hanggang 2010.

Nagtiwala ba noong panahong iyon si G. Velasco na constitutional ang mga hold departure order sa panahon ng kanyang pangulo?

Noong March 5, 2011, ito ang nalathalang balita tungkol kay G. Velasco: AFTER a growing clamor to impeach some Supreme Court (SC) justices who allegedly helped delay the impeachment suit against Ombudsman Merceditas Gutierrez, several labor groups have called for the ouster of anti-union magistrates, led by Associate Justice Presbitero J. Velasco Jr.

“It is high time to cleanse the supposedly anti-graft court of the Ombudsman, as well as the venerable Supreme Court not only from crooks in robes and protector of robbers and tyrants, such as the erstwhile Gloria Macapagal-Arroyo regime, but also from the lackeys of unscrupulous employers,” Daniel L. Edralin, chairperson of the Alliance of Progressive Labor (APL), said in a press statement.

Ang iba pang mga appointee ni Arroyo ay ang mga sumusunod: Teresita Leonardo de Castro, Arturo D. Brion, Diosdado Peralta, Lucas P. Bersamin, Roberto Abad, Martin Villarama Jr. at Jose Perez. Ang iba sa kanila ay hindi lang appointee sa Supreme Court kundi aktibong mga kaopisina ni Gloria.

Sa tanong na kung lalaya si Gloria sa “pagkakabilanggo” niya at ang ensuing unconstitutionality ng hold departure order, sa dami ng mga appointees ng dating presidente ay malaking posibilidad ito. Sila ay mga tao lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply