Breaking All-time box-office opening gross ang Enteng!

Breaking All-Time Box Office Opening Gross ang nakuha ng #1 MMFF movie na ENTENG NG INA MO kahapon ng magbukas ito sa mga sinehan na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ai Ai De Las Alas.

Tinalo ng Enteng ang mga opening gross ng mga sikat ng hollywood movies na SPIDERMAN at AVATAR rito sa Pilipinas nang magbukas ito sa unang araw ng kanilang pagpapalabas.

Ayon sa official report, ang Enteng naka-gross sa Metro Manila na 20,879,746.40 at sa Probinsya naman ay naka 17,699,047.55. kaya ito ay may Gross Total Opening Sales na 38,578,793.95.

Kaya walang duda na sina Ai Ai De Las Alas at Vic Sotto na naman ang BOX OFFICE KING & QUEEN.

-0o0-

Nakakaloka ang pagsabotahe para masira lang ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Inipit diumano ng SQ Laboratories ang ilang prints ng Asiong Salonga movie na ito dahil pinressure daw sila ng isang ma-imluwensyang aktres para unahing tapusin ang sa kanila bago ang Asiong Salonga. Nakaloloka, di ba? 17 prints lang ang natapos ng SQ Lab na ito ang supposed to be’y 51 prints sa opening day.

At ang nakaka-disappoint pa, yung 34 vacant theaters ng Asiong Salonga ay na-fill in ng ibang entries gayong SQ rin ang gumawa ng prints nila. Saan sila kumuha ng extra prints aber? Obviously, sinabotahe talaga ang Asiong. Kaloka!

Kaya sa ibang sinehan, walang labas sa 1st and second screening ng ‘Kingpin’. sa 3rd screening na maihahabol ang ibang prints.

Ngayon ay napanonood na normally sa 51 theaters ang Asiong Salonga movie na ito.

Ang nakakatuwa lang, lahat ng nanood sa 15 theaters na nilabasan ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay sobra ang saya at tuwa sa ganda ng pelikula kaya sa word of mouth tiyak na hahabol ito sa takilya. And hopefully ay hahakot ito ng maraming awards sa December 28 sa Resorts World.

-0o0-

Sa 2012 ay balitang magsasama sina Robin Padilla at Willie Revillame sa isang pelikula under Viva Films.

“Ang gusto ni Boss Vic (del Rorario), mag umpisa na kaagad kami ni Ka Willie, tingnan natin siguro pag alis ng mga anak ko. Kasi hindi ko maisasabay ngayon yun eh. “Ang gusto ni Ka Willie action eh, ang gusto naman ni Boss Vic, playboy type, parehong hindi ako yun,” sambit  pa ni Binoe sa isang panayam.

Ang  istorya raw ng pelikula ay manggagaling kay Willie Revillame.

‘Yan ang abangan!

Sa ngayon ay busy si Binoe sa sitcom nila ni Vhong Navarro sa ABS-CBN 2 na Toda Max.

Todo papuri ang sinasabi niya ngayon kay Angel Locsin na kasama niya sa sitcom at dating nakasama sa isang serye sa GMA 7.

“Si Angel kasi magaling na artista yun. Ang magaling na artista kahit san mo dalhin sasaluduhan mo yun, kaya kami ang pagpupugay namin kay Angel bilang artista, ang galing niya, mga idea niya.

“’Yung mga episodes ni Angel, lahat ng patawa dun kanya yun, galing sa kanya mismo.”

‘Yun na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply