Brgy. Kagawad binoga sa sabungan

BINARIL at napatay ang isang barangay kagawad sa labas ng isang sabungan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang biktimang nakilalang si Roberto Ramos, ay kakalabas lang umano sa sabungan ng Barangay Ambunao, Calasiao, Pangasinan nang lapitan at barilin ng dalawang nakamotorsiklong mga salarin.

Nagtamo ang biktima ng pitong tama ng bala sa katawan na siyang ikinamatay nito.

Base sa salaysay ng isa sa mga kaanak ng biktima, ang nakikita nilang motibo sa pagkamatay ng kanilang kaanak ay ang nakawan na nangyari sa isang tobacco company na dati nitong pinagtatrabahuhan.

Ang biktima ang siyang itinuturong mastermand sa nakawan subalit nakatakda itong linisin ang pangalan sa husgado sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang nalalamang mga impormasyon.

Dahil dito, nakatanggap ng mga death threats ang biktima ngunit binalewala lamang ito.

Kaagad namang nagbuo ng task force pulisya para sa agarang ikakaresolba ng kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply