Brillantes ‘di patitinag sa death threats

HINDI patitinag si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa dumaraming pagbabanta sa buhay na kanyang natatanggap buhat nang paimbestigahan niya ang ilang anomalya sa kanilang tanggapan.

Kinumpirma ni Brillantes na dati ay pinaghihinay-hinay lamang siya nito sa pag-iimbestiga ngunit ngayon ay dumarami na ang death threats na kanyang natatanggap sa pamamagitan ng text message.

Gayunman, hindi na lamang umano niya pinapansin ang mga ito at madalas ay sinasagot pa umano niya ng, “Thank you.”

Una nang sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na nagsimulang makatanggap ng death threat ang Comelec chair matapos na imbestigahan ang mga problemang pinansiyal ng poll body.

Sinasabing nakadiskubre si Brillantes ng “unliquidated funds” na tinatayang aabot sa P125 milyon, bukod pa ang ilang iregularidad sa komisyon tulad ng falsification of checks at unchecked overtime payments.

Tiniyak naman na ng Philippine National Police (PNP) na biniberipika na nila ang napaulat na death threat laban kay Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply