British national natagpuang patay sa boarding house

NATAGPUANG patay ang isang British national sa loob ng kanyang boarding house sa lungsod ng Davao kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na isang Roger Thomas, 47, pansamantalang nakatira sa Room 3 Sorilla Boarding House, Molave St., Palm Village, Davao City.

Napag-alaman mula sa Santa Ana Police Station, na dakong alas-8:30 kaninang umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang inuupahang kwarto.

Isinalaysay ng dalawang boardmate ng biktima na sina Emily Mones at Jocelyn Somailo na nakita nila ang biktima na pumasok sa CR na nagsusuka at nagrereklamo sa matinding sakit ng ulo.

Paglabas nito mula sa CR ay putlang-putla na at mahinang-mahina na umano ang biktima.

Nang makitang nahihirapan na ang biktima ay tumawag na lamang sa Emergency Rescue 911 at mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives pero namatay din ang biktima matapos isugod sa ospital.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na may sakit na herpes ang biktima at posibleng ito ang dahilan ng kanyang kamatayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply