Brown rice isasama sa menu ng fast food chains

MALAPIT nang mapabilang sa menu ng ilang kilalang fast food chain ang “brown’ o unpolished rice.

Ayon kay Philippine Rice Research Institute-National Rice Awareness Coordinator Ella Lois Bestil, ilang panahon na lamang ang bibilangin at iaalok na rin ang higit na masustansyang brown rice sa mga sikat na lugar kainan bukod sa karaniwan nang maputing kanin na inihahain sa hapag-kainan.

Aniya, puspusan silang nakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng iba’t ibang fast food chain upang mai-promote ang brown rice sa publiko dahil sa mas mataas na taglay nitong bitamina at fiber na higit na mas mabuti sa kalusugan ng tao.

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa programang kontra-malnutrisyon ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply