BSP muling nagbabala sa pekeng pera

MULING nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na maging alerto laban sa mga pekeng pera na naglipa ngayong holiday season.

Nagbigay rin ng simpleng paraan ang BSP upang matukoy kung tunay o fake ang isang pera.

Sinabi ni BSP, na parehong may watermark sa kanang bahagi ang luma at mga bagong labas na paper bill at mayroong security threads.

May nakatago ding mas maliit na larawan ng presidente o bayani na matatagpuan sa itaas na kaliwang bahagi ang mga bagong paper bill.

Dagdag pa sa BSP na isang criminal offense ang paggamit sa pekeng pera at ang sinumang mahuhuling gumagamit o gumagawa nito  ay maaaring pagmultahin ng P20,000 at makulong, depende sa bigat ng kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply