BSP nagbabala sa kumakalat na pekeng pera

MULING nagbabala ang pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat at busisiin mabuti ang kanilang natatanggap na pera lalao na ngayong Kapaskuhan dahil  sa mga kumakalat na pekeng pera.

Ayon sa BSP, dapat umanong malaman ng publiko ang security features ng isang genuine na pera para hindi mabiktima ng pekeng peso bills.

Ang watermark area ang isa umano sa palatandaan kung saan makikita ang larawan ng pera na hindi makikita sa mga nagkalat na pekeng peso bills.

Kailangan din umanong maging mabusisi sa mga perang isinusukli lalo na sa pamimili ngayong Kapaskuhan upang makatiyak na hindi maloko sa pekeng pera. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply