Bulkang Bulusan nag-alburuto na naman

NAG-ALBURUTO na naman ang Bulkang Bulusan matapos makapagtala ng siyam na pagyanig sa paligid nito kanina, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Bunga nito, binalaan ng Phivolcs ang publiko dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Paliwanag ni Phivolcs director Renato Solidum, aabot na sa 9 pagyanig ang naitatala ng kanilang tanggapan sa nakalipas na 24 oras kanina.

Aniya, hindi pa nila direktang maobserbahan ang steaming activity ng bulkan dahil sa kapal ng ulap na nakapalibot sa crater nito.

Gayunman, mataas pa rin aniya ang posibilidad na makaranas ng ash at steam explosion ang bulkan.

Umapela rin sa publiko si Solidum na iwasang pumasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) lalo’t nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkan.

Bukod dito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga residente na nakatira malapit sa mga ilog na maging mapagbantay sa lahar na maaaring dumaloy sa mga batis sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply