Bumbero sugatan sa sunog sa Marikina

NASUGATAN ang isang volunteer firefighter makaraang masunog ang isang commercial building sa Marikina City, tanghali ng Disyembre 26.

Ayon sa report ng dzBB, isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ang sugatan na nakilala lamang sa pangalang Aclan, volunteer firefighter na nakabase sa Cubao.

Sumugod ang mga bumbero sa commercial building na nasa Marcos Highway upang apulahin ang apoy upang hindi na madamay pa ang kalapit na medical clinic.

Nabatid pa na ang naturang commercial building ay tindahan ng mga pintura.

Sumabog ang ilang containers ng pintura at natamaan sa mukha ang biktima habang tumutulong upang maapula ang apoy.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply