Burial site sa mga bangkay sa Iligan City handa na

HANDANG-HANDA na ang lugar na paglilibingan para sa mga namatay sa hagupit ng bagyong Sendong sa Iligan City.

Sa pinakahuling tala, 279 ang aktuwal na bilang ng mga bangkay na narekober sa lugar, habang nasa 230 pa ang nawawala.

Marami pa rin sa mga bangkay ang hindi pa nakikilala at wala pang kapamilyang kumukuha.

Sinabi naman ni Colonel Celso Regencia ng Iligan City Police, na may ilan silang nasagip mula sa mga karagatan, kaya umaasa rin sila na dadami pa ang bilang ng mga surivivor.

Samantala, nasa 632 na kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyo sa Mindanao at Visayas.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 582 sa nasabing bilang ang mula sa Cagayan de Oro City at Iligan City na marami pa ang hindi nakikilala.

Mula sa 173 na barangay na naapektuhan ng Bagyong Sendong, ay pumalo na ito sa 190 na barangay, 24 na bayan, walong siyudad at 13 lalawigan, nakapaloob dito ang Region VI, Region VII, Region IX, Region X, Region XI, Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tinatayang nasa 26,928 na pamilya rin ang naapektuhan ng bagyo, habang nasa mahigit 44,000 katao ang nasa mga evacuation center.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply