BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-92 labas

“A-ANG anak ko iyon!” malakas na sambit ni Joseph habang nakaturo sa screen ng telebisyon. “Tama na natakasan sila ng aking anak pero nahuli nila ngayon!”

Tahimik lang na nakatingin sina Glenna at ang dalawang pulis.

Tinatandaan ang mukha nina Bruce at Hazel pati na ang numero ng plaka ng sasakyan.

‘XFS230’

“Sa direksiyon ng NLEX sila patungo,” sabi ni Sergeant Moreno.

Noon din ay dinampot ni Glenna ang kalapit na telepono.

Sa police headquarters siya tumawag.

Kinumpirma ang development ng kaso.

“Kasalukuyang tinutugis na sila ng mga awtoridad, captain,” sabi ng nakausap.

“Nagsagawa na rin ng blockade sa North Expressway ang mga kasamahan natin para hindi sila makatakas.”

“Good!” nasisiyahang sagot ng dalaga.

“Tinutugis na sila ng mga awtoridad. Maghintay na lang tayo ng resulta,” nakangiting baling niya kay Joseph.

Saglit na nagpaalam muna ang dalawang pulis.

Uuwi raw muna sila sa kani-kaniyang pamilya at babalik din kinagabihan.

Pinayagan sila ni Glenna.

Nagkasarilinan ang dalawa.

Tahimik si Joseph.

Nasa mukha ang pag-aalala sa anak na si Angel.

Saglit na iniwan siya ni Glenna.

Nang bumalik, may dalang tray ng mamahaling alak na nakalagay sa bucket of ice saka dalawang baso.

“Uminom muna tayo. Pampawala ng stress,” nakangiting sabi ng dalaga.

Nagsalin ng alak si Glenna sa dalawang baso …

Iniabot niya ang isa sa lalaki.

“How about a toast?” nakangiting sabi niya kay Joseph.

Bahagyang nag-umpugan ang kanilang mga baso…

Sabay silang uminom ….

“Ang sarap ng alak. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng wine!” nasisiyahang sabi ng lalaki.

Nagsalin ulit si Glenna sa dalawang baso …

Sabay ulit silang uminom.

Masarap ang alak pero matapang.

At dahil hindi sanay uminom si Joseph, madali siyang tinablan.

“L-Lashing na yata ako. Umiikot na ang pakiramdam ko,” sabi ng lalaki.

“Ihahatid na lang kita sa kuwarto mo. Mahirap nang dito ka sa salas abutin nang pagtulog,” sabi ng babae.

Isinampay ni Glenna sa kanyang balikat ang isang braso ni Joseph saka inalalayan paakyat sa hagdanan.

Diretso sa kuwarto ng lalaki …

Pabagsak na nahiga ito sa kama …

Groge na si Joseph.

Kumuha ng plangganang may mainit na tubig si Glenna sa ibaba at pinunasan ang mukha ng lalaki.

Maya-maya’y binuksan ang polo-shirt nito at ang matipunong dibdib naman ng lalaki ang pinunasan.

Nang bigla siyang hawakan sa braso ng lalaki.

“J-Joseph… ano’ng …”

Sa halip na sumagot, bigla siyang kinabig ng lasing na lalaki.

Biglang napayakap ang babae kay Joseph.

Halos mayupi ang malulusog niyang suso sa higpit ng yakap ng lalaki.

“J-Joseph, ano ba?” sabi ni Glenna.

Sa halip na sumagot, bigla siyang pinaghahalikan sa magkabilang pisngi ng lalaki.

Maya-maya’y siniil ng halik sa mga labi …

Ang likot ng mga kamay ng lalaki …

Nang mahawakan nito ang matambok niyang puwitan, papisil-pisil na hinimas.

Tao lang si Glenna …

Marupok …

At dahil mahal niya ang lalaki ay hindi siya tumutol sa walang kamalayang pagsasamantala nito sa kanyang katawan. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply