BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-93 Labas

HINAYAAN ni Glenna ang paglulumikot ng mga kamay ni Joseph sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan partikular sa maseselang bahagi.

Muli ay nagkagulo ang kambal niyang suso …

Maya-maya’y ang pintuan ng langit naman ang pinag-ukulan nito ng matinding konsentrasyon.

Nagmistulang mekaniko, tubero at electrician ang kamay at daliri ni Joseph.

Taranta si Glenna pero enjoy siya sa ginagawa ng una.

Hanggang sa hindi niya napigilan ang sagitsit nang hindi napigilang silakbo ng kaligayahan.

Kasunod nito ang paglaya ng kanyang pananabik …

Sa puntong ito naman siya biglang pinatungan ng lalaki …

At sinimulan ang pinal niyang pag-atake …

Halos magkawindang-windang ang katawan ni Glenna dahil sa tindi nang pag-atake ni Joseph.

Umuga nang umuga naman ang kama.

Matagal …

Hindi natandaan ng babae kung gaano siya katagal na ipinaghele ng lalaki sa duyan ng kaligayahan.

Basta’t naramdaman na lang niya ang paglaya ng mainit na katas ni Joseph sa kanyang kaloob-looban.

Saka pa lang parang naubos ang lakas ng lalaki …

Kusa siyang nalaglag sa tabi ng babae. Diretso tulog.

Hindi na naman umalis si Glenna sa tabi ni Joseph.

Sa tabi na ng lalaki siya natulog.

SAMANTALA, tuloy ang pagbabantay ng mga pulis sa NLEX.

Inaabangan nila ang pagdaan ng kotse na sinasakyan nina Bruce at Hazel.

Pero napapanis na sila sa paghihintay ay wala pa rin ang kanilang inaabangan.

“Sa oras na ito, dapat ay dumaan na ang mga suspek. Mukhang natunugan nila na inaabangan natin sila at umiba na ng daan,” sabi ng isang pulis.

“Tila nga!” inip na tugon naman ng kasama.

Hindi sila nagkakamali.

Tuso si Bruce palibhasa’y dating sundalo.

Isa siyang ex-Marine.

“Kung dumaan tayo sa NLEX, tiyak na huli tayo,” sabi ng bodyguard ni Mr. Tirazona kay Hazel.

“Bakit mo naman nasabi iyan?” tanong ng babae.

“May CCTV camera sa lugar kung saan ko dinampot ang bata. Hindi ito makaliligtas sa nagbabantay sa monitor. Tiyak na ire-report kaagad sa headquarters ang puwersahan kong pagdampot kay Angel.”

Hindi umimik ang babae. Naniniwala siya kay Bruce.

“Pero hindi pa rin tayo libre habang nakasakay sa kotseng ito,” sabi pa ni Bruce.

“Bakit mo nasabi iyan?”

“Tiyak na namarkahan nila ang plaka nito. Kaya kahit saang lugar tayo pumunta, tiyak na masusundan tayo ng mga pulis.

“A-Ano ang gagawin natin ngayon?” nag-aalalang tanong ni Hazel.

“Iiwan natin ang kotseng ito. Mang-aagaw tayo ng sasakyan!” desisyon ni Bruce.

Sa mga sandaling iyon, nagising na si Joseph.

Nagulat siya ng makitang katabi niya si Glenna.

Hubo’t hubad …

Ganoon din siya.

May bakas ng natuyong mantsa sa kama.

Hindi na niya kailangang isiping may namagitan sa kanilang dalawa sa gitna ng kanyang kalasingan.

Marahan niyang ginising ang babae.

Pupungas-pungas na nagising si Glenna.

“Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa iyo. Patawarin mo sana ako,” mabilis na paghingi ng paumanhin ng lalaki.

“Wala kang dapat ihingi ng sorry,” sagot naman ni Glenna. “Dahil ginusto ko rin ang nangyari sa ating dalawa.

Napatitig ang lalaki sa babae dahil sa sinabi nito.

Nasa ganito silang ayos nang biglang mag-ring ang telepono sa kalapit. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply