BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-96 na labas

NAKATATAWANG tingnan ang mga dating kasamahan ni Bruce.

Pawang mukhang mamamatay tao pero nagmukhang mababait sa harap ng dating boss.

Inasikaso sila nang husto.

Ipinaghanda ng masarap na pagkain.

Palibhasa’y gutom mula sa malayong paglalakbay, lantak naman kaagad ng kain sina Bruce at Hazel.

Pati ang batang si Angel dahil sa kagutuman ay napilitan na ring kumain.

“Mabuti at nagbalik ka rito, pare,” sabi ng isang awol na sundalo. “Humina ang kita namin ng umalis ka. Hindi mo kasi kami kagaling dumiskarte.”

Biglang napatingin si Hazel kay Bruce.

“Ano ba ang dati mong trabaho nang umalis ka sa pagkasundalo?” tanong ng babae.

“Carnapping at kidnap for ransom!” walang gatol na tugon naman ng lalaki.

“Masama pala ang uri ng trabaho mo noon!” sabi ni Hazel.

“Pilit akong nagbago. Kaya nga pumasok akong bodyguard ni Mr. Tirazona. Kung tutuusin, ikaw ang sumira sa buhay ko. Kung hindi mo ako tinukso, hindi na sana ako babalik sa lugar na ito,” pormal na sagot ng lalaki.

“Nagsisisi ka ba dahil nakilala mo ako?” tanong ng babae.

“Hindi. Nag-eenjoy naman ako sa iyo, e!” sagot ni Bruce saka biglang ngumisi.

Napaismid si Hazel. Hindi niya gusto ang ngisi ng lalaki. Anyong may masamang binabalak.

Hindi siya nagkamali.

“Pagkatapos nating kumain, maligo ka, ha! Mag-aalis pagod ako mamaya!” sabi ni Bruce.

Biglang nagpalinga-linga si Hazel.

“Saan tayo pupuwesto rito? Mabobosohan tayo ng mga kasama mo!” sabi ng babae.

“May isang kuwarto rito. Iyon ang gagamitin natin. At maano ba kung mamboso sila?

Hayaan natin silang makapag-change oil kahit sa pamamagitan ng mga kamay lang,” nakangising sagot naman ng lalaki.

Nang matapos silang kumain, saglit lang na nagpahinga si Hazel at humanda nang maligo.

Inutusan naman ni Bruce ang mga kasamahan.

“Linisin ninyo ang kuwarto. Magpapahinga muna kami ni Hazel,” aniya.

Nakangising nagkatinginan ang mga kasamahan.

Nakangising lumapit sa kanya ang isang dating kasama.

“Paboso, ha! Sawa na kaming manood ng x-rated tape. Live naman ang gusto namin,” nakangising pakiusap nito kay Bruce.

“Kayo ang bahala pero huwag kayong magulo. Ayokong mahalata ni Hazel na binobosohan ninyo kami. Baka mawala siya sa mood, masira ang sexbout naming dalawa,” sagot naman ni Bruce.

Masayang nag-apiran ang mga tauhan.

“Kapag nasa kuwarto na kami, bantayan ninyong mabuti ang bata. Kapag nawala si Angel, mananagot kayo sa akin,” babala ng una sa mga tauhan.

“Areglado, pare. Kami ang bahala sa bata,” sagot naman ng isang awol na sundalo.

Nagtagal si Hazel sa loob ng banyo …

Hindi si Bruce ang nainip kundi ang mga tauhan na sabik na mabosohan ang maganda at seksing kasama ng dating pinuno.

Makalipas naman ang ilang saglit at lumabas na ng banyo si Hazel.

Nakatapis lang ng tuwalya ang hubad na katawan.

“Ang sarap maligo!” palatak ng babae. “Nawala ang panlalambot ng katawan ko.”

“Pumasok ka na sa kuwarto at doon mo ako hintayin. Maliligo rin muna ako,” sabi sa kanya ni Bruce.

Nang pumasok na si Hazel sa kuwarto, pumasok naman sa banyo ang lalaki.

Nakangisi na biglang nagkalipumpon ang mga awol na sundalo.

“Sarap nito! May live show tayo na mapapanood mamaya,” masayang sabi ng isa.

“Lintik! Hindi pa nagsisimula ang show, nagagalit na si Manoy ko!” sabi naman ng pangalawa.

Sabog ang malakas na tawanan.

Isa sa kanila ang biglang naglabas ng alak.

“Para maging masarap ang panonood natin mamaya,” nakangisi niyang sabi. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply