Burn unit ng JRMMC handang-handa na

HANDANG-HANDA na ang burn unit ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) para sa mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa ngayon ay puspusan na ang paglilinis ng ospital sa kanilang burn unit o kuwarto kung saan dinadala ang mga mapuputukan ng firecrackers sa bagong taon na hindi na umano kayang gamutin pa sa emergency room.

Kinakailangan umanong malinis ang lugar at maging ang mga kawani at mga nurse na papasok sa burn unit upang maiwasan ang anumang inspeksyon sa mga nakabukas na sugat ng mga pasyente.

Hindi lamang umano ang burn unit ang nakahanda sa JRMMC kundi maging ang kanilang mga ward na lilipatan ng mga pasyente na hindi pa puwedeng i-discharge.

Nabatid na may 4 kama para sa mga adult at 2 kama naman para sa mga bata ang inilaan sa burn unit ng ospital.

Kaugnay nito, sa JRMMC din naka-confine ngayon si Danilo Mansueto, isang construction worker na naputukan ng goodbye Philippines malapit sa isang tapsilugan sa Bulacan.

Si Mansueto ay naputulan ng kanang paa at kasalukuyan pa ring ginagamot sa nasabing ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply