Buti naman at di na pinatulan ng TV5 ang gripes ni DJ Mo

NAGPAULAN ng pera sa press Christmas party ng TV5! (Matalbugan kaya nila ang pabolosang gand pa-raffle ng GMA-7 kung saan limpak-limpak na salapi ang pinamigay, Tonee? Kay Manny Pacquiao alone, half a million pesos ang pinamigay, idagdag mo pa ang pabolosong magnanimity ng mga GMA executives… Hahahahaha! Magmumukhang sisiw ang binabalita mo, my dear – Ed)

Aba bumaha ng P5,000 (55), P10,000 (3), P15,000 (1), P20,000 (1) at P30,000 (1). Nandyan din ang kanilang group carolling contest kung saan P30,000 ang pinalunan ng first prize, P20,000 sa second prize at P15,000 sa third prize with no less than Nora Aunor as one of the judges. May best in winter costume pa sila na male and female with P5,000 each!

Pinakita rin ang Christmas ID station ng TV5 for the first time kung saan kasama lahat ng big stars ng Kapatid Network na sina Sharon Cuneta, Nora Aunor, Dolphy, Aga Muhlach, Vic Sotto, Willie Revillame, Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Ryan Agoncillo, Richard Gomez and the list goes on. At mas malalaking artista pa rin ang inaasahan na lilipat sa TV5 in the weeks to come. ‘Yan ang sinigurado ni Mr. Perci Intalan. Kasama kaya rito sina Vilma Santos at Derek Ramsay?

Nagkaroon rin ng sneak preview ang mga aabangan na bagong shows ngayong 2012 tulad ng “Extreme Make-Over Home Edition” kung saan isang dosenang pamilya na so far ang binigyan ng mga bagong bahay ng TV5! Nandiyan din ang “The Biggest Game Show In The World-Asia” kung saan makikipag-compete ang mga Pinoy sa ibang Asian countries. Kakabilib rin ang “Dancing Nation” kung saan literally ay hundreds of dancers ang magpa-participate! Nandyan ang “Kanta Pilipinas” at ang “Temptation Island” reality shows!

***

NAGDESISYON na ang TV5 na hindi na i-ere pa ang side ni Mo Twister sa nagaganap na latest hidwaan nila ni Rhian Ramos (abortion issue) sa Paparazzi last Sunday. Balitang pati ang The Buzz ay nilapitan na ni Mo para i-air pa ang ibang pasabog pa niya kay Rhian pero hindi na rin ito pinatulan ng ABS-CBN!

Natutuwa kami at hindi na pinatulan ng TV5 at ABS-CBN ang mga gripes ni Mo dahil obvious na isa siyang malaking kiss and tell na hindi dapat tularan ng kahit na sino. Nagmistula siyang isang vindictive loser na hindi maka-get over sa pakikipag-break sa kanya ni Rhian which was ages ago! Kaya ang nangyari ay nawalan na siya ng sense of decency at kung anu-ano na lang ang pino-post niya laban rito sa Twitter at YouTube. Dahil dito ay dinemanda na siya ni Rhian at ng GMA!

Aba, sadyang nakatatakot ngang maging kaibigan si Mo dahil ilalaglag ka niya talaga sakaling maging magkaaway na kayo.

Hindi magandang pag-uugali ito kaya naman para na siyang may sakit na ketong na iniiwasan na ng buong showbiz!

Nakuha naman ni Rhian ang simpatiya ng publiko at dahil dyan kung bakit patuloy na tumatabo sa takilya ang “The Road” kung saan siya ang bida!

***

BOW kami sa talent ni Young JV kung saan paboritong pinapatugtog na sa radio ang kanyang latest single na Alay na isang Christmas song. And this is different from the usual Christmas song kasi isa itong RnB with Star Power finalist Akiko Solon. February 2012 pa ilo-launch ang kanyang second album kung saan carrier single ang Alay. May collaborations rin siyang ginawa with Karylle and Yeng Constantino sa new album niya.

His debut album was released last 2009 at sumikat ang kanyang kantang That Girl. Now almost three years later, Young JV has become hunkier and he has the muscles and abs to prove it. Regular siyang napapanood sa ASAP at kasama siya sa latest blockbuster nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na “Won’t Last A Day Without You.” He is a Star Magic artist.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply