CAAP iniimbestigahan ang pagbagsak ng light plane

NAGTUNGO agad kanina ang aircraft accident investigation team ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa binagsakan ng isang Queen Air light plane sa Parañaque City.

Bumagsak ang eroplano ilang minuto makaraang lumipad ito sa runway 1331 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay CAAP director general Ramon Gutierrez, ang light plane na may registry number RP-C824 ay sinasabing bumagsak sa pagitan ng alas-2:30 at alas-2:45 ng hapon at pag-aari ng ATI.

Ito ay patungong San Jose, Occidental Mindoro nang makaranas ng mechanical trouble. Maagap na humingi ng clearance ang piloto sa control tower para makabalik sa runway.

Subalit hindi na nagawa pang makaikot ang eroplano pabalik sa runway hanggang sa bumagsak ito sa residential area at sa isang eskwelahan.

Hindi pa mabilang kung ilan lahat ang mga nasawi at kung ilan ang mga pasahero ng naturang eroplano bago ito bumagsak.

Ayon kay Gutierrez, ang mga piloto ay sina Capt. Timoteo Aldo at First Officer Jesie Kim Lustica.

Ayon naman kay Joseph Agustin, MIAA Airport Ground Operations Safety Division officer in charge, ang lugar kung saan bumagsak ang light plane ay kinukonsiderang isang danger zone.

Aniya, matagal nang hinihiling ng airport management na umalis ang mga residente sa naturang lugar na karamihan ay informal settlers sanhi sa panganib na maaaring ibigay ng mga eroplanong nakakaranas ng engine at mechanical trouble.

Ipinaliwanag nito na ang residential area ay dapat na 200-meter radius ang layo mula sa runway para ang mga eroplanong maliliit ay magkaroon ng magandang clearance para sa maneuver.

“Mas malaking clearance mas maganda. Kung magkakaroon man ng trouble tulad sa nangyari ngayon walang madadamay na residente.” Benny Antiporda

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply