Cagayan de Oro kinakapos na sa kabaong

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng bilang ng namatay sa malawakang pagbaha sa Mindanao dulot ng bagyong Sendong, kinakapos na rin ang suplay ng kabaong, partikular sa Cagayan de Oro.

Sa ulat ni Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang, maliban sa fatalities, 458 katao pa ang nawawala habang maraming mga barangay din ang lubog pa sa tubig-baha.

Lumalabas na sa huling ulat ay umaabot na sa 372 ang death toll sa lungsod habang sa Iligan ay umaabot naman sa 195 ang patay na karamihan sa mga biktima ay mga bata at babae.

Dahil dito, hiling ng mga namatayan sa lugar na kabaong na lang ang ipadala sa kanilang lugar bilang tulong nang sa gayon ay mabigyan ng maayos na libing ang kanilang binawian ng buhay na mga kamag-anak.

Sa kabuuan, 11 lalawigan pa ang apektado ng bagyo, may tinatayang 19,234 pamilya o 106,476 katao ang naapektuhan ng kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply