Cagayan de Oro susuplayan na ng tubig

MAGSUSUPLAY na ang gobyerno ng tubig sa Cagayan de Oro, isa sa sinasalanta ng bagyong Sendong.

Kahit balik na ang koryente sa lungsod, wala namang suplay ng tubig ang lahat ng barangay dahil nasira ang dalawang production wells ng Cagayan de Oro Water District (COWD).

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, gagamitin sa pag-airlift ng tubig ang C130.

Maging ang Maynilad ay nagprisintang magbigay ng 1,500ml (milliliter) na water bottles habang in-offer ng Philippine Red Cross ang kanilang water bladders.

Sinabi naman ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, maliban sa CDO ay naka-standby na rin ang DSWD sa iba pang probinsya na sinalanta ng bagyong Sendong para sa kakailanganin pang tulong.

Maliban kasi sa Cagayan de Oro, apektado rin ng bagyo ang Iligan City, Negros Oriental at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply