Calamity funds ng LGUs silipin – NDRRMC

NAIS ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ipasilip sa Commission on Audit (COA) ang calamity funds ng local government units (LGUs) lalo na sa mga rehiyon na madalas tamaan ng kalamidad.

Ayon kay NDRRMC Operations Chief Edgardo Olet, mahalagang matiyak na nagagamit ng tama ang nasabing pondo para sa mga biktima ng kalamidad.

Aniya, sa ilalim ng batas ay limang porsyento dapat ng kita ng LGUs, kasama na ang internal revenue allotment, ay dapat inilalaan bilang calamity fund.

Dagdag pa ni Olet, malaking bahagi ng limang porsyentong ito ay ilalaan sa disaster preparedness para masigurong matututukan ng mga lokal na pamahalaan ang paghahanda sa anumang uri ng kalamidad.

Sa ilalim ng Philippine Risk Reduction and Management Council Act of 2010, ang maling paggamit ng calamity fund ay may katapat na kaso at kaparusahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply