Calamity loan sa mga nasalanta ng bagyong Sendong

INIAALOK na ng Pag-IBIG fund ng calamity loan ang kanilang mga miyembro na apektado ng kalamidad sa Iligan City sa Lanao del Norte.

Ayon kay Pag-Ibig Chief Executive Officer Atty. Darlene Berberabe, simula bukas ng alas 7:00 ay tatanggap na sila ng aplikasyon sa mga tanggapan ng ahensya sa mga lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro.

Pinag-aaralan na rin aniya nila na magbigay ng kaukulan pang ayuda sa mga naapektuhan ng kalamidad na dala ng Bagyong Sendong sa Mindanao at Visayas region.

Samantala, nasa Cagayan de Oro na rin si Housing and Urban Development  Coordinating Council (HUDCC) Chairman at Vice President Jejomar Binay na bumisita sa mga residenteng nananatili sa iba’t ibang evacuation centers at nangako ng ayuda mula sa pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply