Camp Crame handang ikustodiya si Palparan

TINIYAK na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng seguridad kay retired M/Gen. Jovito Palparan sakaling sa Camp Crame siya ikustodiya oras na piliin nitong sumuko o  maaresto ng mga operatiba kaugnay sa kinakaharap niyang kasong kidnapping at illegal detention.

Bago ito ay inihayag ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome na nakabase rin ito sa magiging commitment order mula sa korte kung saan ililipat si Palparan sakaling hawak na ito ng awtoridad.

Napag-alaman na inihirit din na kung maaari ay nasa Fort Bonifacio na lamang ikustodiya si Palparan.

Nilinaw ni Bartolome, nasa kanilang hurisdiksiyon si Palparan sa ngayon katuwang ang DILG sakaling magpasya itong sumuko o kaya ay mahuli.

Samantala, inihayag din ni Bartolome na maging ang mga nagpaabot ng surrender feelers sa kanilang tanggapan ay kanilang biniberipika ng mabuti dahil hindi umanong maiwasan na may mga taong nais lamang gamitin ang impluwensiya upang lituhin ang awtoridad.

Nabtaid na marami na ring mga impormasyon ang kanilang natatanggap hinggil sa pagtatago at sa umanoy planong pagsuko ni Palparan.

Tiwala ang PNP na hindi malayong maaresto na rin o sumuko si Palparan matapos maglabas ng P500,00 na reward system ang DILG at PNP.

Sa katunayan aniya, bina-validate na lamang ng PNP ang mga impormasyon na kanilang natatanggap mula sa mga nagpakilalang emisaryo ni Palparan at ilang indibidwal sa komunidad.

Si Palparan ay idinadawit sa kasong illegal detention at kidnapping kaugnay ng pagkawala nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Itinanggi na rin ng minsang naging kasamahan ni Palparan sa militar na sila ang nagkakanlong sa dating Bantay partylist congressman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply