Catholic AIDS Sunday isasagawa ng Simbahang Katolika

BUNSOD nang dumaraming HIV/AIDS cases sa bansa, nakatakdang idaos bukas (Disyembre 4) ng Simbahang Katolika ang kauna-unahang Catholic AIDS Sunday sa bansa sa pamamagitan ng isang liturgical service na gaganapin sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila.

Nabatid na ang unang Linggo ng Disyembre ay idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang Catholic AIDS Sunday sa idinaos nitong plenary assembly noong Hulyo.

Si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP’s National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), ang mangunguna sa pagtitipon na ang layunin ay gabayan ang mga tao sa pagtugon sa AIDS epidemic.

“National Aids Sunday aims to make all of us aware of the serious menace of HIV-AIDS. This menace can only be averted if we appreciate the gift of life and love that the Lord gives us and live respecting the sacredness of life and sex,” ani Pabillo.

Ang NASSA ang siyang nangunguna sa kampaniya ng CBCP laban sa HIV/AIDS.

Ang tema ng okasyon ngayong taon ay tinawag na “Getting to Zero: Be true. Stay true.”

Ani Pabillo, sa pamamagitan nang naturang okasyon ay nais nilang ipabatid sa tao na ang kasagraduhan ng buhay ay nangangahulugan rin nang pagtanggap nang walang bias sa mga taong may HIV/AIDS.

Giit ni Pabillo, ang buhay ng mga taong may AIDS ay mahalaga rin at sagrado.

“They, too, deserve a dignified life with the help of all,” dagdag pa ni Pabillo, na siya ring bishop-advisor ng Philippine Catholic HIV and AIDS Network (PhilCHAN).

Umapela pa si Pabillo ng suporta mula sa mga kabataan at kanilang mga pamilya para sa National AIDS Sunday sa pamamagitan nang pagsusuot ng pula, na nangangahulugan umano ng katapangan sa pagharap sa naturang problema.

Nabatid na itatanghal sa pagtitipon ang isang symbolic formation ng higanteng human AIDS ribbon.

Ang Pilipinas ay isa na umano sa pitong bansa sa buong mundo na patuloy ang pagdami ng mga kaso ng HIV/AIDS.

May kabuuang 7,431 kaso na ng AIDS ang naiulat sa Pilipinas mula taong 1984. Sa naturang bilang, ay 1,416 ang naitala mula Enero hanggang Agosto lamang ng taong ito. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply