CCTV cameras ikakabit sa Rizal Park

HIGIT na pinaigting pa ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) ang seguridad sa Rizal Park sa Ermita, Maynila sa pamamagitan nang paglalagay ng mga close-circuit television (CCTV) bukod pa sa mga security guard at pulis na itinatalaga sa buong parke.

Ito ang sinabi ni NPDC Executive Director Juliet Villegas sa ginanap na Masquerade sa Rizal Park kahapon (Disyembre 4) na dinaluhan ng mga batang-Maynila.

Tuwang-tuwa ang may daang-daang bata, maging ang kanila-kanilang mga ina nang lumibot sa buong parke ang mga mascot kasama ang mga ati-atihan.

Bukod sa parada ng mga mascot na tinaguriang “1st Rizal Park Mascot s on Parade,” nakisaya rin ang mga tsikiting sa inihandang magical show, bubble show, balloon twisting, face painting at raffle draw.

Naniniwala si Villegas na magandang pagkakataon ang nasabing okasyon para maipasyal ang mga bata kasama ang miyembro ng pamilya para makapag-bonding.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply