CD ng paputok inilunsad ng DOH

MAS pinaigting pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanyang “Goodbye Paputok,” sa pamamagitan ng paglulunsad ng compact disc (CD) na ang laman ay video ng mga paputok na magagamit sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, maaaari ring patugtugin ang CD bilang pampaingay at iginiit na ligtas ito sa anumang aksidente.

Kabilang sa mga maririnig na pagsabog sa video clip ay ang 5-Star, Watusi, Super Lolo, Judas’ Belt, Whistle Bomb, Kwitis at Trompillo.

May kalakip ding kanta ng isang banda ang CD na pwedeng magamit sa street party na pamalit naman sa nakagawiang pagpapaputok at iba pang mapanganib na gawain tuwing nagpapalit ng taon.

Nagpaalala rin ang mga opisyal ng DOH sa lahat ng mamamayan ukol sa paggamit ng paputok sa darating na Bagong Taon.

Sinabi ni Provincial Health Officer Chief Dra. Rozvilinda Ozaeta, na dapat maging maingat ang lahat kung gagamit ng paputok upang pasayahin ang pagdiriwang sa pagsalubong ng taong 2012.

Aniya, mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na sa mga bata na mahina pa ang resistensiya, ang ilang paputok gaya ng watusi at piccolo na kapag nalulon ay maaaring maging dahilan ng sakit o kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply