Ceasefire vs NPA nakasalalay sa AFP

HINIHINTAY pa ng Malakanyang ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa traditional declaration ng  “Christmas ceasefire”  sa New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na kasalukuyang pinag-aaralan ang tigil-putukan gaya ng ginawa ng pamahalaan noong nakaraang taon.

“Pinag-aaralan ngayon ‘yung ceasefire nga. Last year, we did that. So, ngayon, we will wait for the recommendation from the AFP,” ayon kay Sec. Lacierda.

Naging tradisyon na ng pamahalaan ang magdeklara ng tigil-putukan sa rebeldeng grupong NPA Christmas season sa nagdaang walong taon.

Noong nakaraang taon ay inirekomenda ng AFP kay Pangulong Benigno Aquino III ang suspensyon ng military operations (SOMO).

Kamakailan ay sinabi ni Sec. Lacierda  na ang tigil-putukan ay kapwa maganda sa magkabilang panig.

“It’s always an opportunity for the rebels to come down from the mountains and be with their families,” ang diing pahayag nito sabay sabing “We have not received any recommendation yet. Once we receive it and once the President makes a decision, we will let you know.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply