CEO natangayan ng P150K sa loob ng bahay

HALOS P150,000 ang natangay sa isang Chief Executive Officer (CEO)  nang malooban  ito ng ‘di nakilalang suspek sa  kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila.

Dumulog sa Manila Police District-Theft and Robbery Section ang biktimang si Aurello Cordona, 35, CEO ng Magic  Bullets Advertising na matatagpuan sa 15th Fl. Royale Plaza, Remedios, Ermita, Maynila at residente ng  2158 Road 4 Fabile Estate, Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ng MPD-TRS, dakong alas-7:30 kagabi (Disyembre 2) ng magreport si Cordona sa nasabing tanggapan  matapos na madiskubre ng kanyang ina na si  Ginang Florebena na nawawala na ang kanilang digicam na nagkakahalaga ng P16,000 at cash na P130,000 na nakalagay sa kanilang drawer.

Ayon sa pulisya, posible umanong sumalisi ang mga magnanakaw habang walang tao sa kanilang bahay sa pagitan ng ala-1:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Wala namang nakakita umano sa lugar kung may taong pumasok sa bahay ng biktima kaya patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply