Chacha aarangkada na sa Senado sa 2012

AARANGKADA na sa pagpasok ng susunod na taon ang pagtalakay ng Senado sa charter change.

Ayon kay Senate president Juan Ponce Enrile, pag-uusapan nila ni house speaker Sonny Belmonte ang schedule ng gagawing deliberasyon sa ilang probisyon ng konstitusyon.

Sinabi ni Enrile na tanging ang economic provisions lang ng Saligang Batas ang aamyendahan at hindi papahintulutan na maisulong ang personal interes ng mga mambabatas.

Ikinatwiran ni Enrile na hindi magkakaroon ng ganap na kaunlaran ng ekonomiya kung hindi mababago ang probisyon sa pagmamay-ari ng mga ari-arian o lupain ng dayuhang investors sa bansa.

Samantala, nakatakda na ring ituloy ng Senado ang debate sa kontrobersyal na reproductive health bill sa Enero 2012 dahil malabo na itong maipasa ngayong taon.

Pero inihayag pa ni Enrile na hindi basta-basta maipapasa ang RH bill dahil sa maraming isyung dapat pagdebatehan sa panukalang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply