Chickboy tigok sa tarak sa Pasay City

PATAY na nang matagpuan ang tinaguriang “chickboy” sa kanilang lugar matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang lalaki kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Leopoldo Alcaraz, ng Visaya Calaca Batangas, namatay bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat na ipinarating nina SPO2 Rolando Prades at PO3 Simon Respicio kay PCI Joey Gofforth hepe ng Station Investigation Detective Management Sectio (SIDMS)ng Pasay City Police, dakong 2:07 ng madaling-araw nang matagpuang duguan ang biktima sa gate ng West Construction Corp. sa Circulo del Mundo, Saint Andrew Villamor. naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang biktima ay isang babaero at madalas makitang may kasamang iba’t ibang babae na sinasabing posibleng motibo sa krimen.

Lumalabas na maaaring isa sa kasama nitong babae ay may asawa at nagkataong nakitang magkasama ang dalawa kaya itinumba ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply