Chief Justice Corona impeach na mamayang gabi

ILAN sa kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pursigido talagang i-impeach si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y matapos ang halos dalawang oras na close door majority caucus na ipinatawag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga kongresista dahil sa mabilis na aksyon kahit walang complainant.

Ayon kay House Deputy Speaker Crispin Remulla, kumpirmado ang tungkol sa resolusyon na ipinaiikot sa mga mambabatas na nagsusulong ng impeachment laban kay Corona.

Gayunpaman, itinanggi ni Remulla na may “marching orders” mula kay Pangulong Aquino ang nagmamadaling impeachment complaint laban kay Corona.

Ito aniya ay inihanda ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. at mismong ang pinamumunuan nitong House committee on justice ang siyang maghahain sa resolusyon.

Liban kay Tupas, sasama rin sa kanya sina Reps. Joseph Emilio Abaya, Erin Tañada at Arlene Baggao.

Makikisama rin bilang mga private complainants sina dating Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, Jun Lozada at Juan Carlo Tejano.

May walong grounds na dahilan ang mga nagrereklamo kabilang dito ang betrayal of public trust, culpable violations of the Constitution at graft and corruption.

Ilan ang pagiging impartial ni Corona sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pagkabigo na isapubliko ang kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN), pagkabigong mapatunayan ang kanyang “competence, integrity, probity” at pagiging independent bilang mahistrado, pagbaliwal sa paghihiwalay ng kapangyarihan ng hudikatura sa kaso ng dating pinatalsik na si Ombudsman Merciditas Gutierrez, ruling sa pagtatag ng 16 na mga syudad sa bansa, pagdeklara sa Dinagat Island bilang isang bagong probinsiya, pagbibigay ng TRO sa travel ban kay Mrs. Arroyo at esposo nito, at umano’y pagkabigo na ma-account ang tinaguriang judiciary development fund at special allowance mula sa koleksyon ng hudikatura.

Ngayon pa lamang ipinagmalaki na ni Tupas na mamayang gabi ay maituturing nang impeached ang punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply