Chief Justice Corona malabong ma-impeach

MALABONG ma-impeach si Supreme Court Chief Justice Renato Corona dahil lamang sa inaayawan ito ni Pangulong Benigno Aquino III.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Liberal Party na si Marikina Rep. Miro Quimbo, isang sacred duty ang paghahain ng impeachment at hindi basta-basta na inilalatag na lamang sa isang opisyal na gustong patalsikin sa pwesto.

“As far as the Liberal Party is concern wala pang formal discussions pagdating sa impeachment ng kahit na sinong miyembro ng Korte Suprema o kahit sino pa mang impeachable officers so walang ganyang discussion at by tradition hindi ganyan nagkakaroon ng discussion or imposition,” ayon kay  Quimbo.

Tiniyak din ni Quimbo na hindi sila magpapadikta kung sakaling utusan sila ng Pangulong Aquino para ma-impeach si Corona upang mapanatili ang accountability ng judiciary at kung sakali ay ibabase nila ito sa mga ebidensya at sa grounds ng kaso nito.

“We are told to decide on the basis of what we think is supported by evidence at wala pa kaming ganyang discussion so kung may pagpa-file dyan tulad ng kahit na anong impeachment ay pag-aaralan muna natin lahat at titingnan natin kung talagang may basehan bago ito e-endorse o di kaya bago ito i-i-hear ng Justice Committee.”

Sa panig naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat,  Deputy spokesman ng Liberal party na hanggang sa mga oras na ito ay wala aniyang kahit na sinong miembro ng LP ang may ideya na maghain ng impeachment laban sa mga mahistrado.

“The only way that you can  hold accountable the SC is through impeachment and right now there is no series discussion yet, na magkakaroon ng impeachment proceedings against CJ (Chief Justice). What’s important right now is mediation muna ang unang option before we think of impeachment,” ani Baguilat.

Iginiit pa ni Baguilat na sakaling may maghain ng impeachment ay masusi nila itong pag-aaralan bago iendorso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply