Cholera outbreak sa mga binahang lugar ibinabala ng DOH

IBINABALA na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pagkakaroon ng cholera outbreak sa mga binahang lugar sa Mindanao.

Base sa panayam ng dzMM kay DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, pinangangambahan nila ang pagtama ng diarrhea sa mga residente dahil sa kawalan ng malinis na suplay ng tubig.

Samantala, nilinaw ni Tayag na hindi sila tutol sa mass burial ngunit dapat lamang na maging organisado umano ito.

Dapat din umanong may identification o tag ang mga bangkay at isa-isa ang gagawing paglilibing. Kunan din dapat ito ng litrato at itabi ang mga suot nang hindi mahirapan ang mga kaanak kung ipapahukay sa kalaunan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply