Chopper gagamitin sa paglilipat kay GMA sa VMMC

ISANG helicopter na lamang ang gagamitin sa paglilipat bukas kay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City upang maging mabilis ang biyahe at matiyak ang seguridad ng dating pangulo na nahaharap ngayon sa kasong election sabotage.

Ayon kay Secretary of Interior and Local Government Jesse Robredo, kanilang kinokonsidera ang lahat ng mode of transportation para sa paglilipat kay GMA sa VMMC mula sa St. Lukes Hosital sa Taguig City.

Kaugnay pa sa gagawing pagbibiyahe sa dating pangulo ay inihayag ni Robredo na sa tingin niya ay hindi na kailangan pang iposas si GMA sa isasagawang transfer nito mula sa St Lukes papuntang GMA.

Tikom din ang bibig ng PNP kung by land or by air nila isasagawa ang paglilipat sa  akusado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply