Christmas break wish kay GMA

PAYAGAN sana si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapag-Pasko at Bagong Taon sa kanyang bahay.

Ito ang apela ngayon ng ilang kaalyado sa Kamara ni GMA kay Pangulong Noynoy Aquino bilang “Christmas break” sakaling mailipat na siya nang pormal sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Sinabi ni House Senior Minority “Deputy Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, sana ay mapag-usapan ito ng pangulo at miyembro ng gabinite sa kanilang pagpupulong.

Alang-alang aniya sa Pasko at Bagong Taon, gayundin para sa humanitarian at Christian reasons ay pagbigyan si Arroyo na makasama ang pamilya ngayong holiday season.

Pagkatapos naman aniya ng Bagong Taon ay maaari nang ibalik si GMA VMMC.

Dahilan sa hindi naman nakadepende sa Malakanyang kundi sa Korte ang desisyon dito, kaya umapela si Suarez na hindi na dapat tutulan ng Malakanyang kung humingi ng Christmas break sa Pasay Regional Trial Court (RTC) ang dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply