Christmas greetings ipinagbawal sa mga airport personnel

PINAALALAHANAN ng Manila Airport Authority (MIAA) ang mga empleyado nito na huwag nang bumati ng Merry Christmas sa mga dumarating at umaalis na pasahero upang maiwasan ang maling akala na nanghihingi ang mga ito ng pamasko.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Anghel Honrado, ipinagbabawal niya ang pagbati ng Merry Christmas o kahit sa ibang klseng pagbati gaano man kasimple o taos sa puso dahil maaari pa ring mapagkamalang naghihingi ng tip.

Sapat na umano ang mainit at magandang ngiti at episyenteng serbisyo sa mga balikbayan.

Sinabi ni Honrado na ang kanyang paalala ay mas higit para sa mga empleyado at mga tauhan na tumatao sa mga airport counters o yaong mga inatasang umalalay sa mga pasahero. Hindi umano mabuti sa mga tauhan ng airport, kasama na rito ang mga opisyal ng Bureau of Immigration at Bureau of Customs, na mapagbintangan na nanghihingi.

Nilinaw naman ng MIAA general manager na walang written policy ang kanyang pagbabawal sa pagbati kundi isang paalala lamang sa kanyang mga tauhan upang maingatan ang reputasyon ng mga naglilingkod sa airport. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply