Christmas lanes binuksan na ngayon

MAY pamaskong handog ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista sa Metro Manila.

Binuksan na ngayong araw ang karagdagang 48 kilometro ng 33 bagong alternate routes o kilala sa tawag na Christmas lanes o Mabuhay lanes.

Kabilang sa mga bagong ‘New Christmas’ lanes ay mga rutang patungong shopping destinations tulad ng Divisoria, Baclaran, Greenhills at Carriedo.

Pinangunahan kaninang alas-sais ng umaga ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang motorcade para sa ilulunsad ang karagdagang Christmas lanes.

Nilinaw din ng MMDA na may mga inilagay silang traffic directional signs sa mga bagong ruta para hindi malito ang mga pasahero.

Layunin ng pagpapatupad ng Christmas lanes na mabigyan ng alternatibong daan ang mga motoristang bibiyahe sa Edsa na inaasahang lalong magsisikip ngayong holiday season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply