Citizens arrest sa gumagawa ng paputok

BINALAAN ni Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na mananagot ang local executives at police officials sa mga lugar na magkakaroon ng mataas na kaso ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa kalihim, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health para makuha ang rekord kung saan may naiulat na mga nasugatan ng paputok.

Aniya pagpapaliwanagin niya ang mga nakakasakop na lokal na opisyal at hepe ng pulis sakaling matukoy sa kanilang mga area of responsibility.

Kasabay nito, hinimok din ni Robredo ang publiko na makipag-ugnayan sa awtoridad kung may nalalaman silang impormasyon hinggil sa bentahan ng iligal na mga paputok.

Samantala, nagpaalala rin sa publiko si PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome na maaaring magsagawa ng citizen arrest laban sa mga nagbebenta ng iligal na paputok.

Ayon kay Bartolome, kung nakakatiyak ang isang sibilyan na may ebidensiya na may malinaw na paglabag sa batas ay maaaring ipatupad ang citizens arrest.

Ginawa ng hepe ng pambansang pulisya ang pahayag kasunod ng pag-iikot sa ilang tindahan ng mga paputok sa tinaguriang firecracker capital of the Philippines na Bocaue, Bucalan.

Sa pagsasagawa ng ocular inspection ay naaktuhan ang ilang mga tindahan na nagbebenta pa rin ng mga iligal na paputok tulad ng “goodbye Philippines,” pla-pla at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply