Cityhood ng Imus, Bacoor aprub na

WALANG tutol na inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang pagiging lungsod ng Imus at Bacoor sa Cavite.

Sa naganap na botohan nitong Lunes (Disyembre 12), walang nagpahayag ng negatibong boto sa pag-aarpuba ng House Bill No. 4729 at 4730 na nagbibigay daan upang maging lungsod ang Imus at Bacoor, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Sinabi ng panukala, sakaling tuluyan nang malagdaan ang cityhood ng Imus, mananatili ang status nito bilang ikatlong legislative district ng lalawigan at mananatiling ikalawang legislative district naman ang Bacoor.

Sa ilalim ng panukala, may isang special provision sa City of Imus na lumilikha sa permanenteng posisyon para sa city architect,  city information office,  city cooperatives officer at  city agriculturist.

Pinanatili din ng panukala ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin ng Imus at Bacoor na nakatala sa Local Government Code.

Maliban na lamang kung ibabasura ni Pangulong Benigno Aquino III, magiging epektibo ang pagiging lungsod ng Imus at Bacoor 15 araw matapos mailathala sa pambansa at lokal na pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply