Civilian employee ng Napolcom tigok sa boga

NAMATAY isang umano’y civilian employee ng National Police Commission (Napolcom) nang barilin ng isa sa dalawang hinihinalang holdaper kaninang madaling araw sa Paranaque City.

Kinilala ni PO2 Abdul Tula ang biktima na si Michael Tunay, 24, residente ng San Juan St., Moonwalk, Las Piñas City.

Ang biktima ay namatay bunga ng isang tama ng bala mula sa kalibre .45 sa batok na tumagos sa noo .

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-4:45 ng umaga sa kanto ng Rodriguez st., Baclaran, Paranaque City.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Tula, ang biktima ay naglalakad sa naturang lugar nang lapitan ng dalawang ‘di kilalang suspek at hinihingi ang mga dala-dalang gamit.

Nagkaroon umano ng komprontasyon ang biktima at suspek nang lapitan sa likuran ng kasamahang holdaper at pinaputukan sa batok na naging dahilan ng kanyang dagliang kamatayan.

Nabatid na ang biktima ay naghahanap ng trabaho at napagawi sa naturang lugar at nakursundahang holdapin ng mga suspek.

Nakuha sa wallet ng biktima ang isang ID bilang civilian employee ng Napolcom. Nakuha rin sa lugar na pinangyarihan ang isang basyo ng kalibre .45 na hinihinalang baril na ginamit sa pamamaril sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply