CJ Corona mai-impeach – Malakanyang

KUMPIYANSA ang Malakanyang na mai-impeach si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang pagdidiin ni Presidential Political Adviser Ronald Llamas sa kabila ng karamihan sa mga senador ay nakasama si Corona.

“Hindi kami sarado doon (acquital) sa ganoong klaseng possibility pero confident kami na ma-i-impeach si Corona. Pero of course ‘yung confidence is different doon sa kasiguraduhan,” anito.

Sa ngayon ay hindi naman nila napag-uusapan kung mapapawalang-sala si Corona sa impeachment complaint na kinahaharap nito.

Tumanggi naman si Sec. Llamas na hatulan ang kung anuman ang magiging desisyon ng mga senador sa kapalaran ni Corona.

“I think, as we go along doon sa impeachment trial, it will take three months, it will take six months. Hindi namin sigurado, depende rin kasi sa mga senador ‘yan. Depende rin sa mga ebidensyang lalabas. Kaya ang tingin ko ‘yon ang magiging decisive bagamat may ibang variables which will come into play, ang dominant diyan ano ba talaga ‘yung ipripresenta,” ang pahayag nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply