Corona pinatutsadahan ni PNoy

SA talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa kauna-unahang Criminal Justice Summit ay tila pinatutsadahan niya si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kanyang pagkakahirang bilang isa sa mga midnight appointments ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Dagdag pa ni Pangulong Aquino, nalilito umano siya sa ginagawi ng Korte Suprema sa pabali-baliktad nitong desisyon.

Kanya ring binanggit ang pagdedesisyon ng kataas-taasang hukuman na legal ang pagkakadagdag ng isang distrito sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan ang naging direktang nakinabang umano rito ay ang anak ng dating Pangulong Arroyo na si Rep. Datu Arroyo.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi umano siya nagtapos ng abogasiya subalit namulat umano siya sa pagsunod sa matuwid at tamang direksiyon.

Hindi umano siya mag-aalangan na batikusin ang mga desisyon ng Korte Suprema kung sa tingin niya ay hindi tama at nasa likod niya ang kayang mga boss.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply