CJ hindi magbibitiw; PNoy, tinawag na diktador

HINDI ako magbibitiw!

Haharapin ko ng buong tapang at talino ang mga walang basehang paratang na ito, punto por punto.”

Ito ang matapang na sagot ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona matapos magtagumpay ang mayorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na makakalap ng sapat na boto para maiakyat ang impeachment case sa Senado.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga hukom at empleyado ng mga korte na dumagsa sa SC compound, isa-isang pinabulaanan ni Corona ang bawat alegasyon sa Articles of Impeachment laban sa kanya gaya nang umano’y hindi niya pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na regular naman daw niyang tinutupad.

Dumepensa rin ang punong mahistrado sa paratang na siya ay isang midnight appointee. ”

Tungkol naman sa umano’y pagpapalabas niya ng mga desisyong pumapanig kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ni Corona na wala silang kinakatigan kahit na sino sa Mataas na Hukuman.

Ayon kay Corona, “Ang boto ng punong mahistrado ay kapantay lang ng boto ng pinakahuling nahirang na mahistrado. Ang opinyon ng mahistrado ay hindi desisyon ng Korte Suprema. Walang nagdidikta ng boto dito sa Korte Suprema.”

Bilang diretsahang pagbuwelta sa mga pambabatikos sa kaniya noon, diretsahan ding pinatungkulan ngayon ni Corona ang Pangulo at sinabing mahigpit niyang tinututulan ang binubuong diktadurya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply