Clearing operation ikinasa ng MMDA sa Baclaran

NAGSAGAWA suprise clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Parañaque Clearing Operations Team sa Baclaran.

Ang hakbang ay upang masigurong maayos ang mga kalsada ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Pinaalalahanan ng ahensya at lokal na pamahalaan ang sidewalk vendors at tiangge owners sa Kalakhang Maynila na huwag abusuhin ang pagnenegosyo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Babala ng MMDA na hindi sila magdadalawang-isip na kumpiskahin ang mga paninda lalo na kung ang mga ito ay nagdudulot ng perhuwisyo sa publiko.

Maraming reklamo ang nakarating sa awtoridad na nagsasabing lumalagpas sa itinakdang lugar o puwesto ang mga manininda na nagiging sanhi ng  trapik sa daanan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, malaya namang makapagtitinda ang mga vendor basta tiyakin lamang na hindi sila makakasagabal sa mga mamimili at motorista.

Sinabi rin ng MMDA na dapat na iwasan ng vendors na magtinda sa mga sidewalk at footbridge partikular na sa Baclaran, Carriedo sa Maynila, Edsa at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply