Coach ng San Sebastian women’s volley team ginulpi

BUGBOG sarado ang coach ng women’s volleyball team ng San Sabastian College na si Roger Gorayeb matapos na kuyugin hanggang sa tuluyang gulpihin ng mga basketball player ng San Beda Red Lions.

Naganap ang rambol sa isang volleyball match sa pagitan ng San Beda at Perpetual Help Altas ngayong hapon.

Ayon kay Gorayeb, pinagsisigawan siya ng mga taga-San Beda matapos na umano’y insultuhin ng kanyang manlalaro ang Nigerian player ng San Beda na si Ola Ade-ogun.

Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng masasakit na salita sa magkabilang panig hanggang sa tuluyang kuyugin si Gorayeb ng mga miyembro ng basketball team ng San Beda.

Ayon sa mga nakasaksi, nagtamo ng maraming suntok si Gorayeb mula sa mga basketbolista at natumba pa sa sahig nang tamaan ng suntok ni Dave Marcelo, ang itinanghal na NCAA Season 87 Finals MVP.

Base sa ulat, ilang miyembro rin ng San Sebastian’s women’s volleyball team ang nasaktan sa naganap na riot.

Agad na isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Gorayeb.

Samantala, pinag-aaralan na ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) kung papatawan ng parusa ang basketball team ng San Beda.

Bukod dito, sinasabing kakasuhan na rin ng physical injury ang mga basketbolista kasama na ang coach na si Frankie Lim na nanakit kay Gorayeb.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply