Comelec-DOJ panel isasalang na sa final oral argument

ISASALANG na sa final oral argument ngayong araw ang binuong Comelec-DOJ joint panel sa Korte Suprema.

Sa oral argument nakasalalay kung maipagtatanggol ng mga abogado ng gobyerno ang constitutionality ng nasabing joint panel.

Sina Justice Secretary Leila de Lima, Solicitor General Anselmo Cadiz at Comelec Chairman Sixto Brillantes ang mga inaasahang dadalo sa debate ngayong araw.

Ayon kay SC spokesman Jose Midas Marquez, sesentro ang oral argument sa mga major point na posibleng magpatibay sa pag-iral ng naturang lupon o maging dahilan nang tuluyang pagkabuwag nito.

Sinabi ni Marquez na maari umanong humantong sa pagsantabi ng kaso ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung mabibigo ang kampo ng DOJ at solicitor general na mapatuyan ang legalidad ng panel.

Dagdag pa ng tagapagsalita na maging ang kasasampa lamang na kasong electoral sabotage laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay maari ring maisantabi.

Gayunman, sinabi ni Marquez na ang magiging hatol ay hindi lamang sa legal debate ang basehan kundi maging ang memoranda na isusumite ng kampo ni GMA at maging sa panig naman ng joint panel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply