Comelec: Mahigit 5,000 Pinoy nagparehistro sa OAV

MAHIGIT sa 5,000 Filipino pa lamang ang nagpaparehistro para sa overseas absentee voting (OAV) sa mga Philippine posts sa ibayong dagat, bilang bahagi ng paghahanda sa 2013 midterm elections.

Batay sa rekord ng Comelec- Education and Information Department (EID), hanggang nitong Lunes, Disyembre 5, ay umaabot sa kabuuang 5,438 Pinoy na ang nakapagparehistro sa OAV.

Bagamat kakaunti pa lamang ang nagparehistro, sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na hindi na sila nasorpresa dito lalo na’t kasisimula pa lamang naman ng registration period.

Inaasahan umano nila na sa Enero 2012 ay magsisimula nang dumami ang bilang ng OAV applicants.

“Since we have just started the registration period, we are not surprised at the modest turnouts,” ani Jimenez.  “We expect the number of OAV applicants to increase starting January next year.”

Ang OAV registration period ay sinimulan noong Nobyembre 2, 2011 at magtatagal hanggang Oktubre 31, 2012.

Nangunguna sa listahan na may pinakamaraming OAV applicants ang Dubai sa United Arab Emirates (UAE) na umabot sa 407, kasunod ang Tel Aviv sa Israel (332) at Riyadh Kingdom of Saudi Arabia (305).

Ang Middle East at Africas ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng OAV applicants (1,675), sumunod ang Europe (1,338), America (1,241), at Asia at Pacific na may tig-1,184.

Sa Asya, sa Macau ang pinakamaraming nagparehistro na umabot sa 215, sumunod ang Singapore (206), at ang Tokyo (143).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply