Comelec sang-ayon na malipat sa VMMC si GMA

SANG-AYON ang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na pansamantalang manatili si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Reaksiyon ito ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. sa naging desisyon ni Judge Jesus Mupas ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 112 na payagang sa VMMC ipakulong si GMA sa sandaling makalabas na ito ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Ayon kay Brillantes, nauunawaan nila ang desisyon ng mababang hukuman dahil isinaalang-alang lamang nito ang sakit ng mambabatas ng Pampanga.

Sinabi na ng mga doktor sa St. Lukes Medical Center na si Ginang Arroyo ay dumaranas ng diarrhea at colitis o pamamaga ng large intestine.

Sa kabila naman nito, iginiit ni Brillantes na sa oras na gumaling na ang dating Pangulo, ihihirit pa rin ng Comelec na mailipat siya sa isang detention facility partikular na sa himpilan ng Southern Police District (SPD).

Bilang isang akusado sa kasong electoral sabotage, nanindigan si Brillantes na hindi nararapat na mabigyan ng special treatment ang dating Pangulo. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply