Commutation sa ‘Abadilla 5’ wala pa sa Palasyo

BINIGYANG linaw ngayon ng Malacañang na hindi pa nakararating sa tanggapan ng Pangulong Noynoy Aquino ang rekomendasyong ma-commute o maibaba ang hatol sa mga miyembro ng tinaguriang “Abadilla 5.”

Magugunitang inihayag ng Board of Pardons and Parole (BPP) na naisumite na nila sa Office of the President (OP) ang rekomendasyon na gawing 16 taong pagkakukulong ang hatol sa “Abadilla 5” mula sa dating life sentence.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala pa sa lamesa ng Pangulong Aquino kahapon (Disyembre 2) ang naturang dokumento.

Ayon kay Valte, aalamin niya ngayon sa Office of the Executive Secretary (OES) at Department of Justice (DOJ) kung nasaan na ang rekomendasyon ng BPP.

Ang “Abadilla 5” ay nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo noong 1999 dahil sa pagpatay kay Ilocos Norte Vice Gov. Rolando Abadilla, ang kinatatakutang martial law enforcer noong rehimeng Marcos. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply