Computer shop owner tinarakan ng kostumer

MALUBHA ang kalagayan ng may-ari ng rent computer shop matapos saksakin ng kanyang costumer ng magkaroon sila ng pagtatalo kagabi (Disyembre 13) sa Dagat-dagatan, Caloocan City.

Nakaratay at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng malalim na saksak sa lalamunan si Resty Payod, 35, may-ari ng Payod Computer net shop.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Aldrin Tapit.

Ayon sa ulat dakong alas-8:00 ng maganap ang insidente sa tapat ng shop ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo matapos tumanging magbayad ang huli sa upa ng ginamit na computer.

Sa halip na pera ang binunot ng suspek sa bulsa ay isang patalim at agad na itinarak sa leeg ni Payod at saka mabilis na tumakas.

Nagpalabas ng manhunt operation order ang pulisya laban sa suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply