‘Concert Empress’ sobrang ikinakilig ni Anne

PROUD si Eula Caballero na makasama sa filmfest entry ng Regal Entertainment na Yes -terday, Today, Tomorrow dahil puro nanalo na sa acting awards sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Lovi Poe, Carla Aballena, A- got Isidro, at Ronaldo Valdez.

Malaki ang pasasalamat ni Eula dahil ang gumanap na ina niya na si Maricel ay sumuporta sa kanya at panay ang papuri sa kanya bilang co-star at anak nito sa pelikula.

“Kaya sabi ko nga, ibang-iba pala siya ru’n sa mga sinasabi ng iba. Sobrang na-pressure pa ako,” bulalas niya nang makatsikahan namin siya sa Dulcinea Greenbelt1. “May mga friends ako, may mga moms ng mga friends ko… Alam n’yo naman ang show- biz, kumakalat ang mga balita.

“So, sabi nila, ‘May movie ka raw. Sino kasama mo?’ Sabi ko, ‘Sina Miss Maricel.’ Sabi nila, ‘Hala ka! Sige ka, mataray yun. Sobrang maldita. E, nakakahiya nga sa kanya kasi noong shooting namin, siya pa ang nagku-comfort na, ‘O, Eula, anak, kumain ka na?’

“Nakakahiya! I mean, ako pa dapat yung laging nag-a-approach, bumabati.
Pero siya talaga, sobrang napaka-mommy. As in, super mommy talaga,” kuwento ni Eula.

Aminado rin siya na pumalpak siya sa unang eksena nila ni Maricel sa YTT.

“Na-intimidate talaga ako kasi alam ko na napakagaling niya kaya nagka-buckle-buckle ako sa unang scene namin pero sa mga sumunod relax na ako,” sey pa niya.

“Hindi ko pa alam kasi noong una, sobrang parang straight face lang siya. So, hindi ko alam kung galit ba siya. Sabi ko, ‘Shocks! Paano ba ‘to?’

“Nakakanerbiyos talaga na nakakataranta na nakakahiya talaga. So, sa isa pang throwing of lines, nag-sorry talaga ako. Sabi ko,’Miss Maricel, sorry po talaga, kinakabahan lang po talaga ako.’

“Tapos sabi niya,’Huwag kang kabahan, anak. Baka lagi ka nang magba-buckle niyan hanggang sa take. So, nag-usap muna kami at sinabi niya na basta sa take, dapat alam ko na ang linya ko.”

‘Yun na!

-0o0-

Natatawa kami kay Anne dahil nagi-enjoy siya sa pagkakaroon ng album na  platinum record na ang Annebisyosa.

Kuwento nga niya sa kanyang mall tour, minsan sinasabi ang ganda ng album niya. May pumupuri rin daw sa kanya na ang ganda –ganda niya pero walang karugtong na ang ganda-ganda ng boses niya.

At hindi lang ‘yan, magkakaroon pa siya ng concert sa Smart-Araneta Coliseum sa Ja- nuary 28, 2012, titled, Annebisyosa: No Other Concert World Tour.

“O ‘di ba ang taray! Hindi ako nag-nationwide, world tour kaagad! At Araneta Coliseum pa! Ha ha ha,” bulalas ni Anne.

“’Di ba nga, palaging tinatanong ako na kung, ‘Ano naman ang mae-expect ngayong may album ka na? Nandiyang nagdyo-joke-joke ako, ‘Ano pa nga ba, concert!’  Naggagaganoon lang ako.

“Kaya nagulat lang ako noong sinabi ni Ate VR (Veronique del Rosario, ang kanyang manager na, ‘Uy, tumawag na si Daddy (Vic del Rosario). Magko-concert ka. Sa Araneta.’

“May preparation na learning how to breathe properly. Tapos, mag-aaral ako ng isang instrument para may pasabog naman nang bongga.” At kung anong instrument iyon, ‘yun ang dapat abangan dahil surprise ito pati sa kung sinu-sino ang kanyang magiging guests.

“Siyempre, nakita ko na nga pala at na-announce na sa ‘TV Patrol’ na si Sarah (Geronimo) will also be part of it.

“Of course, the boys! May boys akong kasama.”

Aminado naman si Anne na may pressure ang darating na concert dahil sa Araneta agad ito gagawin.”Pressure! Pressure na pressure talaga.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero, I’ll take this as a challenge.
Basta sana, ma-pass ko nga siya with flying colors.

“It’s really just for fun.”

Sa kabilang banda, bago tawagin si Anne sa presscon proper, maraming titulo ang ikinabit sa kanya. Nariyan ang, Pop Star Sweetheart, Twitter Queen, The Other Woman, National Sweetheart, at Ultimate Media Star, kaya naman natanong ang aktres kung ano ang pinakapaborito niyang title sa mga iyon?

“Hindi ko alam! Pero, pinaka-favorite kong narinig yata galing kay Miss Regine (Velasquez).

“Nag-tweet ako na, ‘Hey guys, this is the official poster of Annebisyosa: No Other Concert World Tour.’

“Nag-tweet si Ms. Regine.

“Sabi niya, ‘Hi Anne, kung kailangan mo ng backup, just let me know.’

“Sabi ko talaga,’ Aaaahhh!!! Miss Regine! Thank you so much!’

“Kasi, you know, coming from someone na nagme-make fun, make fun…to know that there’s someone who’s the Songbird…Songbird of Asia who’s also having fun.

“Hindi niya tine-take against me na unfair. It’s really a compliment.

“Tapos ‘yung tweet-tweet niya, ‘Go, go, go! Concert Empress. Wow, ha, Empress kaagad!”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply